Sunday, July 26, 2009

naghahalong lungkot at saya...

saya:





1) finally, it's out! I was more excited about this movie than the upcoming HP sequels kasi I'm kind of disappointed again by the last HP movie and so far Tim Burton never let me down (kahit na depressing pa mga movies n'ya, lol)



2) Incubus' Monuments and Melodies~!!!
All the tracks that I loved and their new ones that are sooo painfully addicting compiled into one! yaay, kahit tipid pa kami ngayon walang akong paki, sulit ang binayad ko! (check out some tracks here)


3) poker...ang bago kong online game obsession...pag may pera na kong pwedeng lustayin sasali na ko sa tunay na laro (yung hindi play money lang, lol)


lungkot:

sa totoo lang ayokong mag-emo pero share ko lang...
puyat na naman kami ng kapatid kong maganda at somehow nakaka-guilty na kung anu-anong materyal na bagay ang pinagkakaabalahan namin kesa sa bantayan namin ng husto si lola. surely kung kaibigan kita alam mo kung ano ang naging relasyon ko sa king lola...kaya...
at ngayong nakaratay na s'ya, parang nagbago ang pananaw ko sa kanya...totoo na sa loob ng 2 taon na tigil ako sa pag-aaral at napasubo ako sa gulo ng 'corporate world' maraming nagbago sa kin, pero hindi ko akalain na ang dinadamdam ko kay lola ay pwedeng mabura ng isang iglap...
kanina nung nasa esem ako, nagpapakaemo kasi nadepress ako sa kalagayan ni lola, sobrang wala ako sa sarili at hindi ko talaga akalaing maaapektuhan ako ng ganon. nung nakapila ako sa cashier hindi ko napansin na tinititigan na ako nung kahera dahil ako na yung susunod tapos kinailangan pang kalabitin ako nung nasa likod ko. tapos yung plastic ng dvd na kabibili ko lang nasa loob pala ng basket kaya habang pina-punch nung kahera yung mga binili ko (kasama yung popcorn na pampasaya ko sana) nawindang s'ya sa napulot n'ya na inabot n'ya sa kin ng may 'curious look' tipong "ate, naka-drugs ka ba?"
hayz...kung may ipupunto man ako, napatunayan ko lang naman na posible pala talagang magpatawad ang tao...bihira kasi akong makarinig ng kwento mula sa mga kaibigan ko na tipong nag-let go sila in all sincerity, na tipong lahat ng pride kinain na, pero naranasan ko s'ya...hindi naman ako santo na tipong magyo-yoga na ko sa Mt. Apo dahil nakaranas na ko ng enlightenment...sa isang banda lang naintindihan ko na ang ibig sabihin ng magpatawad, at sa isang banda, kahit malungkot parang gumaan din ang loob ko...depress naman ako forever, pero sa ngayon sa tingin ko may tinik din na nabunot sa kin...

PS
isa pang kinalungkot ko ang tuluyang pagkasira ng hard drive namin na luma (kung saan nakastore lahat ng pinaghirapan kong kolektahin na mp3 dati, at ang ilang pinamigay kong comissioned artworks na naka-scan lang at wala na kong kopya) buti na lang may binigay sa king mga CD yung ilang TK peeps kaya may na-restore kami (thanks kina David, Nagi, Cep, at kung sino pa ang nagbigay sa kin na hindi taga-TK ^_~) willing po akong magshare ng mga music files...e-mail n'yo na lang ako...next time upload ako ng album...

No comments: