ang tawag dito ay Deli POP...in Korean ewan ko wahahahahahaha...tanong ko na lang next time sa mga kakilala kong marunong mag-Hangul...
eniweiz...dito sa SM Taytay, may stall na nagbebenta ng mala-ampaw na biskwit na ito, at ganito ang original packaging nila:
syempre yung kulay pink at purple ang kinuha ko pero pareho lang sila ng lasa...food coloring lang nagkaiba...mwahahahaha...
meron din silang version na ganito, wala syang chocolate drizzle pero medyo manamis-namis sya at masarap lagyan ng cheese :) tawag naman daw Magic POP
(para s'yang malaking kropek no?) ang masaya dito tuwing nagpapack yung crew ng produkto nila, may makina silang ginagamit na parang kino-compress yung rice puffs tapos sa loob ng ilang segundo magpo-POP s'ya tapos lalabas sa makina yung biskwit na sasaluhin ng isang bowl na parang palanggana...at ang mas masaya pa, for 15 pcs, mabibili mo s'ya ng 39PHP (Magic POP) o 49 PHP (Deli POP), pramis hindi s'ya madaling ubusin...>_<
tapos dati binabasura ko ang Nestle...ngayon gustong-gusto ko ng Real Leaf Ice Tea nila kasi mura...mwahahaha...ibasura ang C2!!! Puro asukal lang yan!!! mwahahaha...nakakamiss maging tibakers...>_<

No comments:
Post a Comment